Having fun at Convergys!!

Posted in Job-related with tags , on December 21, 2009 by eurytrophy8447

‘Di ibig sabihing sa call center ang trabaho ko ay mag-eenglish na’ko habang buhay. Pero masasabi ko, malaking tulong ‘tong pinasukan ko sa akin.

Nakatapos na ako ng dalawang training sa tulong ng Convergys, una sa Ortigas kung saan hinasa ang aking kakayahang pangkomunikasyon at lakas ng loob (pwede pala yun?) at yung pangalawa ay ang CCT sa Makati bilang unang bahagi bago maging empleyado ng Convergys. Sa ngayon nasa proseso na ako ng aking PST, at bahagi ako ngayon ng AT&T BellSouth at mananatili kung di ako sasablay sa Berlitz. At heto pa, 12am pasok ko tambling ang biological clock ko dito, well wala nga namang madaling trabaho. WAHH!!

Sa mga ka-wave ko, wala akong masabi. ‘Di ko ramdam na mas matatanda ang karamihan sa kanila sa’kin at ganoon na lang kami magkatuwaan. Parang bumabalik ang College Life ko, parang di nga kami nagtatrabaho e hehe.

Linggo-linggo ang inuman, sa halos 20 araw na naming pinagsamahan, malalim na ang relasyon ng bawat isa wahaha. Pero nasa getting-to-know-each-other state pa rin naman kami at sadya lang na nagkakasundo ang lahat (as far as I know).

Pero, hirap pa rin ako to please people kasi gusto ko silang kaibiganin lahat. At sa lagom ng nalalaman ko, weak spot ko ang “Befriending Phase” ng social life ko. Well, I’m trying and I do implement “Capital T” (wahehe) to gain friends.

So far, it’s fun to have this new chapter in my life. New people, new place, new experience, lahat bago. I’m doing my best to learn more and earn some(friemds and salary syempre!).

Jefjam`84 pissed out!

The Return Of The Comeback!

Posted in Buhay-Buhay with tags on November 25, 2009 by eurytrophy8447

Such things happened for this past 2 months and a half while I’m worrying about my blog, finally I’m back! Oh I miss writing! OK, lets recap:

I did not graduated with flying colors. Much has been said, enough of the pissing scolds and pointing fingers. At least I still have my personality.

I opened my Facebook account last September. It buzzed around the Friendster society, so out of curiosity I managed to have an account in Facebook. Weeks later I’m addicted, wtf! Except to the fact that this Facebook has impressive features for a social networking site to do and share, the applications are superb too! For me, it’s a premiere in worldwide web.

No DotA anymore.. I mean our PDO sessions. The way we play DotA in Almar is way too different than with others and in Garena. Let’s say it’s in the bond we share as the game goes on. No stiff moments, most of the time laughters and jokes come from all around.

I’m now a Registered Voter! Wondering now my line-up for 2010 elections. Haha, hard to pick real people!

I was into job hunting and yeepee, I got one! Since the day I was pressured to get a job, I wandered around Metro Manila for openings and met new people. Now after several applications and trainings, after all those documents I required, I got a job at Convergys as a Representative and I’ll be starting this Monday, November 30. *nervous!*

I was able to meet my co-CRA’s and co-Triskelions in my neighborhood again. After my busy college days, I visited my friends after such a long time. Many “How are you?’s” I heard and I responded, it’s a great feeling reconnecting long-time no-seen friends.

Reminiscing college days already. My college is my most remembered experience ever. The way it felt me my too-good-to-be-true friends and bunch of people. Though college also experienced me my heartaches and disappointments :[. Fair enough.

My exposure at our house. The errands and chores, our pets and birds, my room and all non-sense I get from my sisters everyday, all of this. It’s a good thing if I have somewhere to go and I rapidly leave our house for my good. Haizt!

Hope I can still write regularly as I am starting my job pretty soon. I’m already wondering right now, what kind of lifestyle will I get with this new experience I’m heading on, from the morning till my time of going home. Wish I can manage this! Ciao



librong-bulate!

Posted in Buhay-Buhay with tags on September 10, 2009 by eurytrophy8447

kaninang umaga, pagkagising, gumugol ng dalawa at kalahating oras sa kama, sa panglimang pagkakataon, kabuuang isandaan at tatlumpu’t limang pahina, isang aklat na kulay berde, mayroong nakakatuwang pamagat, maimpluwensya ag may-akda, kahit komiko ang naging pakilala ng aklat na’to sa’kin, makabuluhan naman. aba nakakabasa na pala ako??

saglit kong natapos. ahaha, pagkagising kasi inaabot ko ang binabasa kong aklat nang “ABNKKBSNPLAko?!” ni Roberto”Bob”Ong yung nadampot ko kaya binasa ko na rin. e sa araw-araw ba naman akong nasa bahay lang(houseboy na’ko ngayon), heto at masugid na akong nagbabasa ng mga aklat —in short jobless.

kakatapos ko rin lang mabasa ang obra ni Dan Brown, ang “The Da Vinci Code”. Noong 2006 pa nung pinalabas sa mga sinehan yung movie version(starred Tom Hanks) pero ngayon ko lang natapos ang adapted novel. Medyo mahaba kasi at talagang iintindihin mo gusto ko na mabasa ang “Angels and Demons”-ang sequel.

ngayon, “The Blair Witch Files: The Dark Room” ang binabasa ko. masasabi kong nakakabahala ang libro dahilan upang di ako madaling nakakatulog sa madaling araw kapag binabasa ko’to. natatawa ako kasi puro freak books napagtutuunan ko ng pansin kung magbabasa, tinatakot ko ang sarili ko sa ganitong paraan. dati nga, “World’s Greatest Serial Killers” ang binasa ko. sa pamagat pa lang, parang balak kong pumatay! xD LOL —pero wag ka, pumatok sa tropa ko nung hiniram ang aklat di nga lang niya natapos.

“hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.” — Bob Ong

They Woke Me Up When September Came!

Posted in Buhay-Buhay, Friends and LoverZ with tags on September 4, 2009 by eurytrophy8447

Sa tropa kong nagparanas sa’kin ng hayskul ulit.

Sa tropa kong nagpasiklab ng temang “Rakista”.

Sa tropa kong nagsabi sa’kin na hindi masamang umiyak.

Sa tropa kong naniwalang kaya ko.

Sa tropa kong nagpamalas ng galing ko noong cramming na ang grupo namin.

Sa tropa kong nagbahagi sa’kin ng kanilang mga pangarap.

Sa tropa kong nagpaalala sa’kin na hindi na kami mga bata.

Sa tropa kong tumanggap sa mga kahinaan at pagkakamali ko.

Sa tropa kong sumabay sa mga trip ko.

Sa tropa kong walang humpay ngumiti, bumungisngis, tumawa at humalakhak.

Sa tropa kong nagparanas ng overnight para sa alak at DotA.

Sa tropa kong dramatic actor, balat-sibuyas  at sa mga hindi.

Sa tropa kong dinulugan ko ng mga payo.

Sa tropa kong binigyan ko ng mga payo.

Sa tropa kong pinapasalamatan ko. Sana ‘di ito ang huli.

My Atrophy II: Face the Greatest Pain Inside

Posted in FamiLy, Friends and LoverZ with tags , on May 23, 2009 by eurytrophy8447

Natuli na ang kapatid ko last last week, ten years old sya, di gaya ko noon nang natuli ay eleven years old na. Nung mga panahon na iyon, nakakaramdam siya ng sakit dahil masakit nga naman talaga dahil sugat iyon at napakahirap umihi. Minsan gusto ko syang tulungan dahil napagdaaanan ko na nga naman yan, kaso hindi ko magawa.

Natural na magkalayo ang loob namin ng bunso kong kapatid. Bagay na masasabi kong mahirap kong pakisamahan ang sarili kong pamilya. Napakadalas, kapag linggo, nagkakaroon sila ng katuwaan, naguusap-usap parang magbabarkada lang. Samantala ako nasa kuwarto, kung hindi tulog, nakatunganga o di kaya nag-iisip minsan kung bakit hindi ko makasundo o kung kasundo man hindi ko makapalagayan ng loob ang loob ng pamilya ko, lalo na si papa. Magkaroon man ng mga pagkakataong mag-uusap kami o may napagkuwentuhan, nauuw talaga sa diskusyon at argumento at mas malala pa away talaga na may sagutan at sumbatan na mas masakit para sakin kesa sa suntok o kahit anong pananakit.

Mahirap sa tuwing linggo lang kami nagiging kumpleto dahil pahinga ng mga magulang ko at sabay sa walang pasok. At tuwing linggo na to nararanasan ko ang pagsasawalang bahala at hinanakit sa puso ko.

Dumarating sa isip ko na minsan ay humingi na lang ng tawad at ayun tapos na.  Kaso nagiging malabo lang ang pagkakataong iyon na dumarating dahil mas nagiging malayo ako sa kanila. Sa simpleng kamusta ako nabubuhayan sa nalalaman kong may pakialam pa sila sa’kin. Matapos nun wala na, parang scripted lang lagi na binabato sa’kin ay pagkatapos ay cut na. Wala nang paki.

Siguro nga kung titingnan malaking bagay na hindi ko sila nilalapitan bagay na magkalayo talaga ang loob ko sa kanila , pero hanap ko lang ay ang atensyon na gusto kong maranasan na sa iba ko nakikita. At nauuwi na lang akong may inggit sa puso.

Malaking bagay na nakakausap ni Adel ang mama niya. Lagi  siyang kinakamusta kaya napaka-open nila sa isa’t-isa. Kilala nga ng mama ni Adel kaming mga kaklase niya. Isang bagay na nakakataba ng puso dahil kumpara sa’kin hindi ko maikwento sa mga magulang ko kung sino ang mga magulang ko kung sino ang mga tropa ko at gaano sila tumatak sa akin. Maging kay Mon2 sa kanyang papa, kahit sabihin kong strikto ang papa ni Mon2 sa kanya nalalaman pa rin niya kung anong meron sa anak niya at dito nasusuportahan at nagagabayan pa siya, mas lalo na sa kanyang mama dahil parang barkada lang sila nito at may masasabi nating bond. Maging sa mga kuwento ni Mon2 sa’kin sa tuwing magkasama sila ni papa niya sa mga lakad nila, napapaisip na lang talaga ako kung posible rin ang mga ganoong pagkakataon sa’min ng papa ko.

Sa mga ganoong pagkakataong nakikita ko ang mga samahan nila ng mga magulang nila naiinggit na lang ako sa isang banda. Kapag dumarating sa mga pagkakataong nagkakaroon ng mga kwentuhang tungkol sa pamilya, gaya nung kuwentong sago ng magkakapatid na Paat (Pohh, Balong & Cherish) nakikinig na lang ako at ngumingiti. Natutuwa na lang ako sa sa parte ko bilang kaibigan nila.

Masarap talaga sa pakiramdam yung pinapahalagahan at minamahal ka. Pero kung masasabing maswerte pa ako dahil andiyan pa’ng mga magulang ko, hindi rin, nasa sitwasyon kasi at mga taong nakapaloob dito.

Kaya sa ngayon pinapahalagahan ko yung tropa ko, gusto ko andiyan ako kung kailanganin man nila ako sa abot ng makakaya ko. Pinipilit kong hindi sila mabigo sa’kin, kahit hindi na bumalik ang pabor sa’kin, hindi ko dapat damdamin dahil  wala namang dapat hinging kahit anong kapalit ang bagay na galing sa puso at may kawang-gawa, kayahindi ako nagkukulang sa mga “Salamat” at  “Patawad” sa kanila dahil ayokong magkaroon ng distansya ang samahan namin tulad ng sa pamilya ko ngayon kung san man ay wala akong natatanggap na kahit ano kundi sumbat at pagkutya sa akin. Naisip ko na nga lang na sana ampon na lang ako at sana’y ganun na nga lang para masabi ko sa sarili ko na nararapat pala sa akin yung ganoong pagtrato. Sana hindi na lang ako ganito ka-sensitibo para masabi kong manhid akong makikisalamuha sa kanila. Puro na lang sana…

very pissed_out. F**k

50 Things About Me.. [isang pagpapakilala]

Posted in Buhay-Buhay with tags , on May 10, 2009 by eurytrophy8447
001. my name only have a single “F” only as spelled
002. I was active on our church before
003. Leo/ Earth Dragon are my signs
004. I am half Bicolano and half Visaya
005. I like memorizing general information
006. I’m already 20 turning 21 this August 4
007. I have a loyal attendance in elementary & high school
008. I admitted college at St. Clare in Caloocan and took ComSci
009. my residence is at Holy Spirit, Quezon City
010. softdrinks and sweets are the things I avoid
011. I do smoke occasionally and for a purpose
012. I do drink alcohol for twice per week, not much for an alcoholic
013. I’m the 2nd child to us 5 siblings
014. courting is not my thing
015. I am 80kgs of weight and 5’7″+ in height ..overweight
016. I do have a piercing on my left ear lobe
017. I am a fan of multimedia arts especially on gaming
018. I am into cooking as my hobby when hungry
019. I do not have any tattoos but I’m planning to have one
020. my right is more dexterous than my left
021. its just creepy when its dark, i fear dark places
022. to become an astronaut is my dream when I was a kid
023. I do hang with my friends more than staying with my family
024. I am into the alternative rock scene
025. I like to watch reality shows like Amazing Race
026. I red most of Bob Ong’s books available
027. I don’t have any tattoos but I would like to have one soon
028. my father would prefer not seeing me at home
029. I got circumcised when I was 11 years of age
030. my shortest relationship I had was in way back 4th grade
031. I lost 3 cellphones already
032. the ways of life and of nature is awful and awesome for me
033. you can find me silent most of the time
034. I am a part of Pretzels-DotA Organization and Addamz Family
035. I preferably pick black than any other
036. my frustrations of playing the guitar has gone too bad
037. I am a Child Rights Advocate
038. I really don’t have any ambition, I just want to be happy
039. Friendster, AnimeSeason & OneManga <usual sites I visit
040. I often wonder about anything
041. I am not into our family business ..meat retailing
042. you are reading my blog where I do write in it
043. I never been in a ferry boat but I flew through a plane once
044. my 1st hero played in DotA: Enchantress[w/lifesteal build^^]
045. I enjoy corny jokes as fit is corny and not the joke at exact
046. I can’t leave the house without my hair fixed somehow
047. my favorite font style is Comic Sans MS
048. I don’t have grandfathers anymore :c
049. I do things somewhat lazy and sloth most of the times
050. I love Rosemarie Ann Aquino with all my heart

Inumang Walang Pulutan and the Talking Videoke

Posted in Friends and LoverZ, Liesure, SAYA pramis with tags , on May 4, 2009 by eurytrophy8447

[BG muzik=  Air Supplies <<mraming songs e, kaya supplies]

haaay, sarap makinig ng mga oldies na kinalakihan ko na kay mama. brings back old memories yet not so good. bwahaha.

SOLID un repa!! capital O-M-G !! … wala-walang pulutan amf, tumawa, mag-isip ng kahit sinong pornstar at sumabay nalang sa mga nalalaman mong kanta sa videoke para makalimot na may iniinom ka pala. kinaya ko. pinilit ko.

sa bandang huli nga lang mga 2 shots to last saka nagka laman ang mesa na maaaring machicha. maliban sa song book, dalawang microfones, isang pitsel ng chaser, bote ng matador na walang laman, papaubos na bote ng empe, siko kong pangalong-baba at mga baso ay isang balot ng fish cracker, uu fish cracker nga. sampung piso. onte ang laman. ayun na ang nasa lamesa. patol na. kahit pantanggal lang ng lasang alkohol. pwede na.

ang kwentong ito ay hatid sa inyo ng Matador+Emperador Limited Edition. bwahaha <*eeeww*> . ininom na lang namin ang matador na hinaluan ng pagmamahal at emperador. awtz!

siguro sa iba hindi kaso ang pinaghalong binanggit. pero hindi naman kami mga alcoholic at lasenggero upang isawalang bahala ang iniinom namin. choosy huh! pihikan? sosy!! … mas nasanay kami sa lasa ng matador at tinuturing naman naming big deal ang emperador na nagpapabasag samin.

matuloy tayo sa nagsasalitang videoke! promiz haha.. latest ang mga kanta sa kanya so yowyow yung mga kantang yun malamang. ngiyahaha! at nagsasalita sya kapag pumipindot ka na ng mga numero upang isalang. 1st time i’ve ever seen a thing like that. hahahaha

nakanta ko pa yung “open arms” ng journey at “billie jean” ni david cook. di ko na kaya yung “swing swing” ng all american rejects” di gaya nung dati. wala naman akong mahanap na “ipagpatawad mo” na revival ng mayonnaise, yun ang gusto kong kantahin sa mga videokehan.  sarap bumirit, sumakit nga lang yung lalamunan ko kinabukasan at nagkasinat pa. haizz. basag na basag talaga ako nung gabing yuon. nakakatuwa na lang kasi naalala ko pa ang mga pangyayari. si vhoikz kasi wala nang naalala. total basagnezz siya non. hahaha

oh sya.. tulog na’ko may OJT pa bukazz … pissed_out

ala-ala ng mga kadramahan

Posted in Buhay-Buhay, Suicidal..grrowwwL! with tags , , on April 11, 2009 by eurytrophy8447

“men bid farewells in silence”
masakit ang mga pamamaalam..
na tipong malabo ang pagbabalik.
pero ang paghingi ng tawad..
ang isang paraan ng pamamaalam.
nakakagaan ng mga saloobin sa buhay.
I’M SORRY sa inyo..para sa lahat!
kahit hindi literal na tahimik,
ang paalam na ito ay magaan sa loob.

“if I die, my dreams wouldn’t”
masarap tantuhin ang kahalagahan mo,
sa mga nakakakilala sa’yo.
ang mga ala-ala mo, maging mga pangarap mo noong nabubuhay ka.
mas masarap tantuhin kung pinapahalagahan nila
ang mga pangarap mo sa buhay nila,
kung paano ito tumatak, nakaambag, nagpalinaw.
….
may mga bagay na hindi mo rin masasakripisyo…
isipin mong sinakripisyo ka di ba?
pero magagawa mo pa bang mamili?
mahal mo ang ginagawa mo..
mahalaga sa’yo ang mga taong nakapalibot dito..
dun mo nararanasan ang lubos na ligaya..
ang kasarapan ng mabuhay at ng hindi..
ang dahilan mong magpatuloy sa araw-araw..
tro”P”ang soli”D” t”O”
….
panahon ng pagninilay-nilay..
takte yan! i caught myself teary-eyed
and then cried all of a sudden,
yet i can’t cry out loud!

i hate my self,i don’t like the way i act at this times..
yet it’s me and i’m longing for openness and honesty..
someone who can get along with me and my pride..
many had misjudged, misinterpreted and misunderstood the real me..
i loved her all along but i’m far away, far away to be loved..
indeed i say i’m mature enough to know but so childish as to act..
when it will be taken realistically? i don’t know..
its for me to find out sooner as i bleed more. :’(

WalkapaloozA: alay-lakad para sa mahal na araw? o katuwaang walk trip lang?

Posted in Friends and LoverZ, SAYA pramis, Suicidal..grrowwwL! with tags , on April 10, 2009 by eurytrophy8447

Mahal na Araw. April 09 , huwebes santo. Gaya lang nung nakaraang taon, napagusapan naming magkakasamang mag-lakad ulit papuntang Grotto Shrine sa may San Jose del Monte, Bulacan.  Pangalawang beses ko na itong pagkakataon na kasama sila Jakcass, Vhoikz at Charlie sa lakarang ito pero mas marami kami ngayon, iba namang mga kasama.

Nagsimula kami ng 8pm sa SM Fairview at nilakad ang kahabaan ng Quirino Highway, natahak namin mula Lagro maingay kami sa tinatahak naming daan. Dito ko nalaman na nakakabuang pala ang pinagsama-samang halakhak nila Lindsay, Pau at ang bacon kong si Arlene…sobrang matindi. At hanggang nasa Caloocan na kami at sa lahat ng pagod namin nakarating na kami ng Bulacan. Welcome to the City of San Jose del Monte!!

Malaking simbahan, stations of the cross, dambanang panalanginan, mga deboto, ilaw ng mga kandila, ingay ng mga dumarayo, malamig na hangin, mga bote ng tubig naming wala ng laman, mga pagod na paa, gutom na sikmura at tumatagaktak na pawis.

‘Yan ang mga inabutan namin sa pagdating namin doon nang alas-onse na ng gabi. Pumasok agad kami ng simbahan, nagpahinga, nanahimik, tumambay, wala lang. Pagkalabas, naglakad-lakad at sumama sa daloy ng ‘di magkamayaw na mga tao. Nagpatuloy kami sa paglalakad kahit nagka-paltos na sa paa ang ilan sa mga kasama namin. Naging maingay kami sa kulitan, kantyawan, kwentuhan at tawanan, ‘di na nakapagdasal. Nakahanap kami ng “chill spot” namin para makaranas umupo at magpahinga.

3am na napagkasunduang umuwi. Bago yun minarapat na naming kumain dahil hindi na kaya ng mga gutom naming sikmura ang kumukulong ingay nito. Plain lugaw ang nagpatahimik sa dumudulog naming tiyan dahil sa kawalang hapunan at pagod na rin.

Sa gitna ng aming pagkain… ten-tenenenn… si Nicole! Kahawig ni Cindy Kurleto, seksi, bagay sa kanya ang puti nyang damit at mukhang bigtym! Hahaha, at nakalibre sana ng lugaw. Sayang at hinayaan ni Charlie ang oportunidad. Haayy. .

P.S. ~ si Nicole ay isang BAKLA!!

..pissed out

ang thesis ay nagwakas din…sa wakas!

Posted in Suicidal..grrowwwL! with tags , on April 8, 2009 by eurytrophy8447

Hurrah!! Mabuhay!! Viva… Mineral Water!! haha.. ang pinaghihirapan naming thesis ng isang buong taon ay natapos na rin sa wakas. Dugo, pawis, luha, brainstorming, pondo, paghihirap, puyat, sakripisyo, dota, alak, lakwatsa at anupamang tistis ay nakatapos din ng thesis! Bwahahah…

“Computerized Generating and Evaluation of Grades System” ang ginawa naming system proposal para sa thesis namin (kahit eto na ata ang pinaka malamyang proposal sa batch namin). Ay naku po naman kasi ang grading system sa’min napakalayo sa ganda ng facade ng school building namin. Pero ok na rin matapos ang sangkatutak na mga checking, presentation, oral at program defenses, documentation at ang pinakamagastos ang pagpapa-hardbound at pa-print. Takte yan!! Oo, ok pa rin. <*sigh*>

‘Di namin matatapos ang thesis na’to kung hindi dahil sa efforts ng lahat at sa tulong ng mga tunay na kaibigang laging andyan. Kahit madalas na nagkakasumbatan din dahil sa kanya-kanya naming mga kakulangan at diperensya wala pa ring tatalo sa tiwala namin sa isa’t-isa at teamwork. Nice huh?! At sa mga indibidwal na tumulong sa amin nung mga panahon ng paghihikahos namin ehh balang araw bibigyan ko kayo ng DVD ng romantic-comedy film na “Marley ang Me”.

Pweh..I’m out. ^^

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.