A Series of not so FORTUNATE Events

haha..

nakapagblog din sa wakas.. it’s been a long time.. ayun, wala pa ring nagcocomment. pero ok lang it’s my hobby and i’m enjoying expressing myself. wa ko pake kung mayroong nakikialam sa buhay ko. pro kung meron then pabor. salamat.

and the reason why my enjoyment had been interfered at so much time because of the damn THESIS! ang hirap kaya, sangkatutak na oras ang nasayang sa kakaisip ng proposal, paggawa ng rough drafts at i-encode to be our thesis documents, pagdrawing ng mga diagrams at flowcharts, pag-kalkula ng mga dapat ikalkula, at ang higit sa lahat ang paggawa ng SYSTEM PROGRAM!. ikaw ba namang gagawa ng sistemang babago sa kinagisnang sistema na ginagamit sa pangkasalukuyan, haayy ang lalim, in short, its a NIGHTMARE.

may mga pagkakataong natatagpuan namin ang aming mga sarili sa bahay nila RAYMOND VINCENT D. TAN at kumakain ng masarap na ulam, delisciouso!. may mga pagkakataong nakaratay lang kami sa bahay nila, nakatunganga, magdodota na lang habang may ka-chat sa Camfrog. may mga pagkakataong nahuhuli sa pasahan ng mga programs at documents, mas madalas ang pagakakataong naiinggit kami sa ganda ng mga gawa ng iba. how envious of me ^^. mas maraming pagkaktaon pa na nagdodota lang kaming magkakasama, haay, dota, di ka matiis. at etong malupet, sa gitna ng aming masusing paggawa ay nagkaroon pa ng hindi ko malaman kung hidwaan ba o isyu lang, may paki ako kasi involved kami. may lumipat sa grupo namin para saluhan kami sa iniinom naming lason. itago na lang natin siya sa pangalang JAYSON A. GONZALES. tinanggap namin siya sa grupo namin, di ko alam pero binubugaw nanaman kami ng isyu dahil doon. haay, bahala na, siya ang lumapit, wala kaming dahilang tumanggi at okey naman daw sa pinanggalingan niya.(i hope so..)

sa kabilang banda, ang laking adjustment para sa amin yung ginagawa namin ngayon. syempre, mga isip bata pa kami nung panahon na yun tapos bigla na lang na inenroll namin ang subject na Thesis1 mula sa kawalan at tapos nun parang wala lang sa amin tapos pa-lie low, lie low pang nalalaman, di gaya ng mga nauna naming subjects na kahit di ka pumasok sa subject ay oks lang kasi makakbawi ka naman agad, magmula non. HELL pare, HELL! pero , dito nagsimula ang pagkusa namin, naging initiative tapos naging straightforward pa ang mga ginagawa namin. today, we’re aiming to the true goal of passing this course.

sa ngayon, ang paglalakbay at pakikibaka namin sa pangarap namin (naks, senti) ay di pa matatapos sa ganitong kabilis na panahon lamang. hanggang susunod na semester pa kami maghihirap, mag-iisip, magsisikap, magdodrowing, magpupuyat, magpoprogram, magdodota at mag-cacamfrog. haha!

geh im outta here..

One Response to “A Series of not so FORTUNATE Events”

  1. Batang Kalye ka ba? Magugustuhan mo ‘to

    alasais.wordpress.com

    Tem-i of Alasais

Leave a Reply