Sun of a Beach!

Nung sabado lang. Oct 25 nga un. Naglanguyan kami pero pool lang naman! haha

Maganda ang panahon nung araw na yun, tumalab pala yung sundance na ginawa ko inspired by Sarah G.

Umagang yun, ang aga kong gumising para dito..uyy excited. Pero di nga tumagal ng 3 oras yung tulog ko dahil naglaro pa ako ng kinaaadikang online game ko. Kawawa naman, naisip ko tuloy na wag na mag swimming kasi puyat ako. Well, di naman daw totoo yung belief na yun.

Nagluto nako ng tokang pagkain ko, nag almusal, hinalikan yung mga tuta at mga bagong silang na mga kuting to bid goodbye. Ang aga pa nun, text text na sa mga kasama ko. Sumundo pa ako ng isang kargahin, si JAYA, ang resident babaeng katoto ko. Masarap kakwentuhan yun, may inarte lang talaga pag inatake ng topak.

At ayun nga, byahae na sa BULACAN, nag antayan, and as usual, nothing beats the Filipino time. Ayus lang naman kung malakas ang iyong nasyonalismo, pati ba naman yung Filipino Time na tinatawag eh inadopt din.

Yung mga Kastila nagpasimuno nyan. Pati kami ngayon napeperwisyo. Nasobrahan ata sila ng yabang di na marunong magbasa ng oras kaya late. “I hate late, You are late, well then I hate You.” Damn!

Hindi pa kami nababasa ng Chlorine sa tubig ng swimming pool eh, na-sun burn na kaagad kami. Bumyahe pa kami ng dalawang jeep pa matapos naming mag-bus papuntang BULACAN. Ang haba din nung byahe, pagdating namin dun wala pa yung iba naming mga kasama, pasado alas-nueve na. PINOY talaga. Mataas na yung araw, nagugutom na kami.

Pagdating nila nagmadali na kaming kumaen at matapos ang lahat ng hirap. Nadadaan naman pala sa maBOTEng usapan yan. Si Dingdong Dantes ang pinatos namin. Litro pa, sayang nga lang at may nabasag na isa, 2 na lng tuloy. Pero anjan naman yung RedHorse  at rumesbak sa mga basag na kaisaipan ng mga nahumaling sa lasa ni Dingdong. Well, di naman ganung ka-basag.

Hala, naglabasan na ng kulit. Sumasayaw ng naka-briefs hanggang maghubad na nakikita ng mga nanay at mga batang nag tatampisaw sa kiddie pool na malapit lang sa aming cottage. Tinatakpan nila ang mga mata ng kanilang mga anak, pero sila naman yung mga nag-eenjoy (yung mga nanay haa ^^).

Nagbibiruan na, buti at walang naging  pikunan gaya nung nakaraang languyan namin. Masaya, sobrang saya. kahit kaunti lang kami, (mga 13 lang ata kami), masaya talaga. Sabi nga ni Adel, “ang saya ko”, sabi ko naman “eh ano?!”.

Naging masaya sa parte ko dahil maraming BASANG BABAE sa paligid. Kaya kami suki ng mga languyan ng mga kakilala namin, basta magkakasama kaming tropa. Yun ang isa sa mga bagay na talagang inaabangan namin, makakita ng maraming babaeng basa. ‘Lam mo yun, pag basa sila, kitang kita mo yung pigura ng katawan nila, bakat pa. Di ba?! Di naman masyadong mahalaga sa amin yung face value ng isang babae. <-Asa!.. Basta maganda yung katawan, lalo na yung pwet. May nabasa kasi akong artikulo sa isang men’s magazine dati na pag maganda ang pagkakaumbok ng pwet ay maganda rin ang porma ng kanyang seashell. No flaws! (You know what to do dba?)

PERO, syempre dahil loser ako, ako naman yung kumontra sa saya namin. Umiyak nanaman ako, haha bading. It’s part of my temporary process to feel free from emptiness I feel. Parang maysakit ako na nagwala at tinurukan lang nila ng pampakalma para huminto pansamantala. Masakit sa’kin ang pagiyak ko don sa venue namin. Nakakahiya man sa mga kasama ko, wala akong magagawa. I’m me, I’m not all of you. Walang pakialaman for short. beh

Over-all masaya. Most of the time nasa pool side lang kami. D kami masyadong basa. Pero okay lang, nag-inuman naman kami, sayawan, kulitan, videoke, asaran , nag-emote, uminom ulit. Banlaw na!

hahahaha… its been a long time. pero maraming salamat sa sarili ko, kung wala ako. hindi kayo mapapanis. haha.

Leave a Reply