My New Damn Year. .?_?
“wala naman akong ipapasa eh..”, yan ang sabi ko sa sarili ko nung pagkagising ko kaninang umaga. meron kasi kaming assignment sa Autocad at Adobe Photoshop, this christmas vacation namin dapat tapusin at ayun sa awa ng Dios wala akong nagawa. may awa nga ang Dios ako lang ang walang ginagawa taliwas sa punto nung kasabihan. inabutan ako ng katamaran, alam kong mortal na kasalanan ang pagiging tamad pero kasi.. uhm.. ehh.. basta makasalanan ako. bleh.
new year’s resolution. hmm.. uso ba yun? patok pa rin nga pero ang tanong e kung epektibo ba? malamang hinde. kahit sabihin natin na ang katangi-tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago, hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang pagbabago ay nasa tao pa rin. hindi napipilit. hindi nadidikta.
marami na akong mga ginawang mga listahan noong mga nakaraang bagong taon tunkol sa mga gusto kong baguhin kasama na yung mga formal themes at sulating pangwakas sa elementarya at hayskul na ginagawa namin tuwing pasukan ulit matapos ang bakasyon-engrande. at ayun sa awa pa rin ng Dios, mahirap tuparin, di ko magawa. tingin ko hindi pa ako handa sa mga pagbabago.
ngayon pa nga lang naiisip kong baguhin ang lifestyle ng pamumuhay ko dahil kung tatanungin mo sila Rizal, Einstein at da Vinci sasabihin nilang “wala kang patutunguhan anak!” dahil sa pangkaraniwan ang buhay ko kala mo hayskul pa rin. pumapasok, umaatend ng klase, makikinig at magsusulat (pero paglabas na ng room, magtatanong sa sarili “may natutunan ba’ko?”), tatambay, magdodota, uuwi na. kinabukasan ganun ulit.
iniisip ko ang magtrabaho na habang di pa graduate para may karanasan na ako kahit papaano at para masabi kong busy ako. dahil senseless sa akin kapag sinasabi mong busy habang nakahilata sa kama at nagbabasa lang ng libro. kaso sa tuwing iisipin ko yun, nakupow! inaatake ako ng SLOTH. eww.. ang haba ng pila sa SSS, NBI at ang layo ng barangay at city hall kahit isang sakay lang naman ako papunta sa mga yun. kaya hanggang pag-iisip na lang ang kalalagyan ko.
ngayon tinatamad nanaman akong pumasok at heto ako ngayon sa internet cafe nagsusulat na lang ng blog post. haha! geh