From roots…

Ako ay isa sa Pretzels, PDO (Pretzels-Dota Organization). I’m proud about it. Sila ang “dabest” buddies ko ngayong college life ko kasama ang mga Knick-Knacks, ang female counterpart ng Pretsels. Pero in Addamz Family where it truly started. First year kami sa St.Clare College nang mabuo ito, namayagpag kami noong kapanahunan namin at isinasabuhay namin ngayong hindi na kami kumpleto.

Mahilig sa mga lakaran ang Addamz, kahit saan mo dalhin oks pa rin. London Gin with Lime ang favorite bevarage na nagpapatumba sa  lahat na tinutungga ko raw habang hinihiyaw ang ngalan ng nakaraan, pero hindi ko na maalala. At parang Gin-Lime, sakto ang halo namin, iba-ibang ugali, kanya-kanyang trip at kanya-kanyang basagan ng trip. Gusto ko silang ipakilala nang nakakunot ang noo este nakataas pala! ^^

Kung ang America ay may 13 original states, ang Black Zodiac ay may 13 signs, ang Pilipinas may 13 presidents pwera si Gloria, ang mga empleyado may 13th month pay, ang Addamz nagsimula rin sa labintatlo,tama ka thirteen, oo na nga e trese!

1. Lyza Labog, ang nanay ng pamilya.Haha! Nakatira siya sa Amparo, ngayon ay may anak na s’ya (for real), ulyanin, maharot pa sa bata,  s’ya ang nagpamana sa’min ng kanya-kanya naming nunal bilang tanda na Addamz kami, PofMyLyf ang tawag niya sa akin(‘di ko alam kung bakit), s’ya ang pinakamatanda, dating porn  star. Sensitive itong taong ‘to, mura ang isip pagdating sa sex at dahil sa sobrang curious niya nagkaanak tuloy ng ‘di oras. Pero hindi ko maalala kung porn star nga siya o may tipus lang ako. Pero etong kumare niya…

2. Nieva Bontogon, tiyahin ata ng mga bata. Mahilig sa Koreano, akalain mong Happy Birthday niya ang Happy New Year ng lahat, conservative itong babaeng ito at malamang kailangan niyang pag-aralan ang family planning, reproductive system at parts of the penis & vagina bago mag-asawa. Ang utak sa dating Biyaheng Delta Group sa Prin1. Muntikan na kami dating magkaroon ng relasyon at may video scandal pa kami pero hindi totoo ‘yung huling nabanggit. Nagtatrabaho daw s’ya ngayon sa Toy Kingdom ng SM Fairview kung saan siya  ang mascot ayon sa mga narinig ko. Pero etong pamangkin niya….

3. Ma.Lourdes Fortich, walking encyclopedia, kaututang-dila ko ‘pag may mga usapang pang-intelihente ang banat. Akala mo laging may balagtasan pwera na lang na nag-eenglish din kami. Pangga ni Marie Lyne, nursing na ang course niya ngayon sa hindi ko malamang eskwelahan niya. Madrama ang buhay dahil madalas umiiyak ‘pag nasa foodcourt ng Zab Town kami habang break. Hindi siya emo at lalong hindi siya lasing nung mga panahon na iyon o dahil siguro sa masakit lang ang tiyan niya sa mga hindi kanais-nais na pagkain tinitinda d’on. Pero etong pangga niya…

4. Marie Lyne Manlapaz, isa sa mga Addamz na nananatiling buhay sa St.Clare, masipag mag-aral sa sobrang sipag ay nagmumukhang manang(peace). Kaya kantyawan siya kapag blooming ang araw niya. Conservative rin pero may pillows siya. Witty, friendly at disiplinado kala mo galing kumbento pero hindi maaari yun dahil Iglesia ni Cristo ang religion niya.  Dati madalas silang nagkakadebatehan ng bhezt niyang si Adel kapag sinasapian ito ni Ely Soriano. Sinapian ba kamo? Nadedz na ba si Ely Soriano? At eto ang bhezt niya…

5. Adel Buitre II, opo the second siya. Wala akong masabi sa kanya. Mas bata s’ya sa amin pero mature mag-isip, katoto ko sa inuman at nagpapasalamat ako sa kanya dahil madalas niya akong isama sa mga session niya. Idol ko pagdating sa pakikisama at para sa kanya, “hindi bale nang plastik ‘wag lang tabla” na ang kabaligtaran nun ay ang prinsipyo ko kaya mahina ako sa proseso ng socializing. Dating tatak-babaero na si Jack na ang may hawak ng titulo na iyon ngayon magmula matali kay Weng, ang Mhine n’ya, hmm..pero ‘di rin. Engrande magpabirthday at adik sa DotA. Mahilig mangantiyaw at maingay parang babae, dahil siguro sa pagkain niya palagi ng buhay na mani.^^ Eto pang malupit…

6. Jackrey Buere, siya si Jakcass! Isa sa mga DotA masters, strategist. My best emo from Maligaya, sanay sa kalokohan, mahilig sa YouPorn pero YouJizz na siya ngayon, pasimuno ng Death Note at Flyleaf, alakero rin at bestfriend ni Vhoikz, naghahalikan pa sila. Praning din kapag nahahaluan na ng alkohol ang pag-iisip, suicidal ang trip. Babaero nang naturingan! Mabilis ang mga mata sa kahit anong yaman ng mga dalaga at magaganda. Cherry, Majell, Momo Chan, Chrystal,etc pero ngayon ay may Shine na siya. Dealer ng blade at may M-16 ang tatay niya. Nakupo. Ah eto…

7. Danilo Escario Jr., codename Vhoikz. Bestfriend ni Jakcass at DotA master ko rin. Tamang rakista, Horacio dela Costa ang kinalalagyan niya ngayon. Maloko talaga, wildfreak kapag nalalasing dati pero he already commited change. Malinaw ang mga pananaw niya, magaling din makisama, kahit saan mo dalhin, kahit sino pang kaharap swak siya, tinitingala ko pagdating sa mga inuman sessions saludo ako, mautak sa programming, lohika at mathematics. Past time niya ang pang-aasar na hayup sa patok ‘yung mga hirit at talagang mananapak kung kinakailangan. ‘Eto pa’ng isa…

8. Gene Paul Oropesa, a.k.a Patay na Kosang Lamig, Kosa for short. Ang tamang makulit, madalas ko nang ‘di nakakasama dahil minsan lang kaming sit-in sa klase nila. Siya sa Addamz boys ang ‘di kinaadikan ang DotA, napalaro na namin pero ‘di namin nahikayat. Sa Bagong Silang kung saan siya umuuwi masayang tumoma dahil maganda ang pwesto niya, welcome kami palagi at magaling mag-asikaso si Kosa ng mga bisita niya. Certified yow-yow pero alam kong emotional inside, may alagang palaka sa dibdib niya. Kinalalagyan ng..”Kokak-kokak”. Kasama sila Vhoikz at Jakcass bigtime trio sila mangtrip sa mga maisipang pagtripan noong unang panahon. Ayan na s’ya…

9. Rosemarie Ann Aquino, ang Bumbay, magpapa-56 ka? Sosyalera at mahilig maglakwatsa. Nakikitaan ng kaartehan pero mahal namin ‘yan. Madiskarte, kung isasali mo sa Survivor tiyak panalo to. Lapitin ng mga lalaki na D.O.M halos. Gaya kong nagbebenta ng laman (pork what I mean).  Cinderella naming ituring dahil palaging maaga kung umuwi, emo rin siguro dahil naglaslas na sya noon pero sa baba nga lang ang hiwa, alipin ng jukebox hits dahil sa mga banat na mga kanta niya pag nagvivideoke kami tipong tropa lang sila nila Tootsie Guevarra, Eva Eugenio at Joanne Joves.

10. Joanne Joves, lampayatot, heh. Dikit sila ni Rose kaya malamang alam mo na rin ang mga banat niya sa videoke at madalas din sa lakwatsa, adik sa YM! at Friendster, inaasar sa akin lagi ni AteLyz sa hindi ko malamang trip niya, ang resulta, ilang sa’kin palagi si Joanne pero sweet s’yang tao, mahiyain, painosente pero naughty rin, iyakin pa, nagkakahiyaan na nga lang talaga kami sa isa’t isa kala mo ex niya ako. ‘Di na napagpatuloy ang pakikibaka sa St.Clare mula nung lumipat sila ng bahay pero kapiling pa rin, byahera kasi. Yun ang banat eh…

11. John Paul Paat, sugo mula Shelterville, sinanay ng COSO, hinulma ng YFC, inspired by 3m. Dati rati’y tahimik at wala halos kibo kaya akala ko loner din siya gaya ko, yun pala nangingilala lang. Nung nakilala na kaming lahat, the rest is history! Malakas na kung mangtrip  at laging may bagong pakulo, matatawa ka sa mga punchlines at taglines niyang memorable kahit sa pagdeliver nito dahil talaga namang patok sa takillya. May lahing yow-yow at kontra emo pero s’ya si Emotera. Malakas na nuker ng DotA team namin lalo na pag Traxex at Razor gamit niya. Nagbabalik…

12. Patrick Glenn Talaga, eto katoto ko nung mga unang araw ko sa St.Clare dahil pareho kaming tahimik no’n at kami lang ang nag-uusap. Klik rin bumanat minsan kahit kami lang ang natatawa, ayus na tropa, naghihiraman pa kami ng Admission Slips, maagang nawalay sa piling ng Addamz. Certified dancer, napagtitripan pa nga dati dahil sa mga suot niyang makikintab. Taga-Malaria if I’m not mistaken kaya napalapit na rin sa iba na umuuwi  pa ng Bulacan at Caloocan dahil sa magkakasabay sila umuwi at iyon na ang bonding niya.

13. Malamang sino pa ba?!

Sarap alalahanin nung mga panahon na yon, sa ngayon ay 8 na lang ang natitira sa amin sa St.Clare. Pero hindi dito natapos ang pagsasamahan, gaya nga ng nabanggit ko PDO ang best buddies ko at kami-kami pa rin ang magkakasama pero ngayon nadagdagan pa kami as the years pass by parang Addamz extended ang nangyari.  At sila ang bida sa susunod kong post. Soon.

Leave a Reply