- 120 pesos na dalang pera
- 20 kataong kasabay sa byahe
- 15 kilometro na byahe
- 14 pesos na pamasahe
- 7 iba pang colleges & universities
- 5 ang magaganda
- 4 na malls
- 02:33 o’clock
- 1 jeep
- 1 broken/loser
- at 1 nawalang cellphone
Ha?! Nawalang cellphone?? Oo nga pala, nawala yung cellphone ko kahapon lang. Oh hinde! Paano na ang 09093922171 ko? Paano na ang mga contacts ko? Paano na at nahanay nanaman ako sa mga taong cellphone-less? Paano na si Man Ang? Si Man Ang ko.
Duda ko namang nadukot yun. Napakagaling ng pagkakagawa, malinis o baka talagang umiral nanaman yung katangahan syndrome ko at ako pa ang nagpamigay nung cellphone kong N6110 wahh!
Pangatlong beses ko na itong cellphone na nawalay sa akin, ung una ay nung maholdap ako sa may harap ng Robinson’s Place Nova 2nd year college pa lang ata ako nun. Ayun, binigay ko na yung cellphone kong N2100, huhu. Muka pa nga silang mayaman sa akin e. Kitchen’s Knife yun na nakatutok sa bilbil ko, anong magagawa ko? May kasama pa nga siyang look-out. At dahil do’n ay namalimos pa ako ng pamasahe makauwi lang.
Heto ang pangalawang beses, uminom kami ng mga kaklase ko noong panahon ng bakasyong bago ako mag fourth year. Ayun lahat kami gumapang pauwi, may kasama pa akong sinasapian ng uwak. Uuwwwaaaakk! Suka dito, suka doon. Sa kakaasikaso ko sa kanya, ayun hindi ko na namalayan ang ccellphone ko. Tama ka, katangahan din ang sanhi ng pagkawala ng 3550 na cellphone ko.
“Wala ka nang cellphone, tatanga-tanga!”
Yan ang themesong ng buhay ko ngayon. Tsk tsk..