Archive for alak

Inumang Walang Pulutan and the Talking Videoke

Posted in Friends and LoverZ, Liesure, SAYA pramis with tags , on May 4, 2009 by eurytrophy8447

[BG muzik=  Air Supplies <<mraming songs e, kaya supplies]

haaay, sarap makinig ng mga oldies na kinalakihan ko na kay mama. brings back old memories yet not so good. bwahaha.

SOLID un repa!! capital O-M-G !! … wala-walang pulutan amf, tumawa, mag-isip ng kahit sinong pornstar at sumabay nalang sa mga nalalaman mong kanta sa videoke para makalimot na may iniinom ka pala. kinaya ko. pinilit ko.

sa bandang huli nga lang mga 2 shots to last saka nagka laman ang mesa na maaaring machicha. maliban sa song book, dalawang microfones, isang pitsel ng chaser, bote ng matador na walang laman, papaubos na bote ng empe, siko kong pangalong-baba at mga baso ay isang balot ng fish cracker, uu fish cracker nga. sampung piso. onte ang laman. ayun na ang nasa lamesa. patol na. kahit pantanggal lang ng lasang alkohol. pwede na.

ang kwentong ito ay hatid sa inyo ng Matador+Emperador Limited Edition. bwahaha <*eeeww*> . ininom na lang namin ang matador na hinaluan ng pagmamahal at emperador. awtz!

siguro sa iba hindi kaso ang pinaghalong binanggit. pero hindi naman kami mga alcoholic at lasenggero upang isawalang bahala ang iniinom namin. choosy huh! pihikan? sosy!! … mas nasanay kami sa lasa ng matador at tinuturing naman naming big deal ang emperador na nagpapabasag samin.

matuloy tayo sa nagsasalitang videoke! promiz haha.. latest ang mga kanta sa kanya so yowyow yung mga kantang yun malamang. ngiyahaha! at nagsasalita sya kapag pumipindot ka na ng mga numero upang isalang. 1st time i’ve ever seen a thing like that. hahahaha

nakanta ko pa yung “open arms” ng journey at “billie jean” ni david cook. di ko na kaya yung “swing swing” ng all american rejects” di gaya nung dati. wala naman akong mahanap na “ipagpatawad mo” na revival ng mayonnaise, yun ang gusto kong kantahin sa mga videokehan.  sarap bumirit, sumakit nga lang yung lalamunan ko kinabukasan at nagkasinat pa. haizz. basag na basag talaga ako nung gabing yuon. nakakatuwa na lang kasi naalala ko pa ang mga pangyayari. si vhoikz kasi wala nang naalala. total basagnezz siya non. hahaha

oh sya.. tulog na’ko may OJT pa bukazz … pissed_out

Why Dennis? Why?

Posted in Buhay-Buhay with tags on September 15, 2008 by eurytrophy8447
ang may sala, at nakangiti pa ang loko

ang may sala, at nakangiti pa ang loko

Ang sakit ng ulo ko, nahihilo, para akong na-knocked out ni pacman. Kumakarambola ang bilugan kong tiyan. Masusuka ata ako, nanlalabo ang paningin ko, ang daming muta. Bumangon ako sa aking pagkakahimlay. Saka ko naalala, c “DENNIS TRILLO” ang may kasalanan. Why Dennis? Why?

Sa simula, nag tatawanan pa kami, tumatawa sa mga jokes na walang sense. Natablan ako ng kakornihan. Nalaman ko na ung “Agalub Tae!” ni Joey deLeon sa kanta nyang “Itaktak Mo” ay “Eat Bulaga” pala pag binaligtad mo ung mga letra. How cruel! Nagsising-along sa mga kanta ng N73 ng tropa ko kahit YoW-YoW TugpaK-TugpaK ung tugtog. Nag-eevolve naba ako? Hindi ito maaari. I can’t believe it! I’m not emo, I’m just broken. Pakshet. Nilalantakan ung kaawa-awa naming pulutan na anu nga ba un? ung .. ung.. Cornick!. Poota, un pala ang dahilan sa phenomenal changes ko! Ang corny eh. Haha. Pero wala ito kumpara sa ginawa ni Dennis Trillo sa’kin. Anak ng starfish na kulay pink!(Patrick), naisahan niya ko.

Tsang galang buhay yan! iinom-inom d naman kaya!” yan ang sabi ng nanay ko sa’kin nung unang beses akong umuwi na bangag at gumagapang sa daan na parang sa “The Grudge”. Nakakatakot di ba?! Naholdap na rin ako sa daan dahil nagpumilit akong umuwi ng gabi, nakuha yung relos ko, pati ung N2100 cellphone ko, uso p naman yun nung panahon n yun wala na akong pang text sa mga “clanm8s”, buti na lang kakatapos ko lang sa good time kaya ubos na ang pera ko pagkaholdap niya sakin at buti na lang di niya ko sinaksak. Ang laki p namang kitchen knife nun!

Potek talaga! May mga pagkakataon ding napapadpad ako sa mga beerhouse na malapit sa bahay namin bago umuwi. Si Berna, short for Bernadette siya ang GRO na umalalay sakin nung isang beses na nakauwi akong basag sa katinuan. Hinihipuan yung pwet ko! Tinatantya yata kung may pera pa sa wallet yung ineeskortan niya. Kala niya huh! Kaya humihipo na rin ako. Malay natin makadale ako sa esquinitang madilim. Kaso downpayment daw muna. Bayarang babae nga, kala mo mayroong “Pay as you order” na plaka na naksabit sa suso. Haay.

Si Dennis talaga sa una lang masarap. Pagkagising mo, ‘di lang masakit ang ulo mo, basag pa bulsa mo. Napapaisip tuloy ako kung bakit marami ang lumalaklak para sa sakit ng ulo. Mahirap na nga ang buhay, pinagtutuunan pa ang pag-inom ng alak. Eh bakit kaya di ko itanong sa sarili ko? Ewan.

Tuwing linggo sa lugar namin, nag aayos ang mga kababaihan ng mga bangko’t bangkita at isang maliit na lamesa. ‘Kala mo may bible study, yun pala, para yun sa mga asawa nilang lalaklak lang. Ang sarap naman ng buhay. May future ka! Take note, linggo pa yun. ‘Di na lang sila magsimba para mapatawad ng Itaas.

Sabi nila nakakawala daw ng problema ang pag-inom. Ano naman sa’kin?!! Eh pagkawala ng epekto ng alkohol sa utak mo, maaaning ka nanaman sa kakaisip ng lintik na problemang yan. Pinoy talaga, ang hilig sa short time. Dapat siguro magkaroon ng longevity ang mga hangarin natin sa buhay at least may direction yung path ng mga ginagawa natin, if all else fails, okay lang, mabilis kang babangon. Sana yung problema parang alak na nakakasakit ng ulo pero mawawala rin pagkalipas ng mga oras at pagsisisihan mo sa kung anong dahilan.

Ika nga ng tropa kong si Adel, “Sa alak lang nakukumpleto ang magtotropa..” siguro yun ang encouraging sa pag-iinom. Sa inuman lang kasi nagiging boka ang tao, kahit gaano ka katigas. Bonding, kwento dito, Drama doon, nag-oopen ng problema, iiyak, nagbobokahan, nag-aasaran, naglolokohan, may napag-titripan, nagkakapikunan, nagkakapatawaran. Ang ganda ng interaction between you and your co-drinkers. Wag lang sumobra, dapat maintain moderation. Sa kalasingan madalas nagmumula ang karamihan sa mga krimen at aksidente. Hinay-hinay lang tsong!

Haay alak. Funny may it seemed, parang blessing in disguise. Eh umiinom ako eh, pano sa mga hindi? Hmm.. bhala sila. Tagay na. Hinayupak!

I‘m out!