Natuli na ang kapatid ko last last week, ten years old sya, di gaya ko noon nang natuli ay eleven years old na. Nung mga panahon na iyon, nakakaramdam siya ng sakit dahil masakit nga naman talaga dahil sugat iyon at napakahirap umihi. Minsan gusto ko syang tulungan dahil napagdaaanan ko na nga naman yan, kaso hindi ko magawa.
Natural na magkalayo ang loob namin ng bunso kong kapatid. Bagay na masasabi kong mahirap kong pakisamahan ang sarili kong pamilya. Napakadalas, kapag linggo, nagkakaroon sila ng katuwaan, naguusap-usap parang magbabarkada lang. Samantala ako nasa kuwarto, kung hindi tulog, nakatunganga o di kaya nag-iisip minsan kung bakit hindi ko makasundo o kung kasundo man hindi ko makapalagayan ng loob ang loob ng pamilya ko, lalo na si papa. Magkaroon man ng mga pagkakataong mag-uusap kami o may napagkuwentuhan, nauuw talaga sa diskusyon at argumento at mas malala pa away talaga na may sagutan at sumbatan na mas masakit para sakin kesa sa suntok o kahit anong pananakit.
Mahirap sa tuwing linggo lang kami nagiging kumpleto dahil pahinga ng mga magulang ko at sabay sa walang pasok. At tuwing linggo na to nararanasan ko ang pagsasawalang bahala at hinanakit sa puso ko.
Dumarating sa isip ko na minsan ay humingi na lang ng tawad at ayun tapos na. Kaso nagiging malabo lang ang pagkakataong iyon na dumarating dahil mas nagiging malayo ako sa kanila. Sa simpleng kamusta ako nabubuhayan sa nalalaman kong may pakialam pa sila sa’kin. Matapos nun wala na, parang scripted lang lagi na binabato sa’kin ay pagkatapos ay cut na. Wala nang paki.
Siguro nga kung titingnan malaking bagay na hindi ko sila nilalapitan bagay na magkalayo talaga ang loob ko sa kanila , pero hanap ko lang ay ang atensyon na gusto kong maranasan na sa iba ko nakikita. At nauuwi na lang akong may inggit sa puso.
Malaking bagay na nakakausap ni Adel ang mama niya. Lagi siyang kinakamusta kaya napaka-open nila sa isa’t-isa. Kilala nga ng mama ni Adel kaming mga kaklase niya. Isang bagay na nakakataba ng puso dahil kumpara sa’kin hindi ko maikwento sa mga magulang ko kung sino ang mga magulang ko kung sino ang mga tropa ko at gaano sila tumatak sa akin. Maging kay Mon2 sa kanyang papa, kahit sabihin kong strikto ang papa ni Mon2 sa kanya nalalaman pa rin niya kung anong meron sa anak niya at dito nasusuportahan at nagagabayan pa siya, mas lalo na sa kanyang mama dahil parang barkada lang sila nito at may masasabi nating bond. Maging sa mga kuwento ni Mon2 sa’kin sa tuwing magkasama sila ni papa niya sa mga lakad nila, napapaisip na lang talaga ako kung posible rin ang mga ganoong pagkakataon sa’min ng papa ko.
Sa mga ganoong pagkakataong nakikita ko ang mga samahan nila ng mga magulang nila naiinggit na lang ako sa isang banda. Kapag dumarating sa mga pagkakataong nagkakaroon ng mga kwentuhang tungkol sa pamilya, gaya nung kuwentong sago ng magkakapatid na Paat (Pohh, Balong & Cherish) nakikinig na lang ako at ngumingiti. Natutuwa na lang ako sa sa parte ko bilang kaibigan nila.
Masarap talaga sa pakiramdam yung pinapahalagahan at minamahal ka. Pero kung masasabing maswerte pa ako dahil andiyan pa’ng mga magulang ko, hindi rin, nasa sitwasyon kasi at mga taong nakapaloob dito.
Kaya sa ngayon pinapahalagahan ko yung tropa ko, gusto ko andiyan ako kung kailanganin man nila ako sa abot ng makakaya ko. Pinipilit kong hindi sila mabigo sa’kin, kahit hindi na bumalik ang pabor sa’kin, hindi ko dapat damdamin dahil wala namang dapat hinging kahit anong kapalit ang bagay na galing sa puso at may kawang-gawa, kayahindi ako nagkukulang sa mga “Salamat” at “Patawad” sa kanila dahil ayokong magkaroon ng distansya ang samahan namin tulad ng sa pamilya ko ngayon kung san man ay wala akong natatanggap na kahit ano kundi sumbat at pagkutya sa akin. Naisip ko na nga lang na sana ampon na lang ako at sana’y ganun na nga lang para masabi ko sa sarili ko na nararapat pala sa akin yung ganoong pagtrato. Sana hindi na lang ako ganito ka-sensitibo para masabi kong manhid akong makikisalamuha sa kanila. Puro na lang sana…
very pissed_out. F**k