kaninang umaga, pagkagising, gumugol ng dalawa at kalahating oras sa kama, sa panglimang pagkakataon, kabuuang isandaan at tatlumpu’t limang pahina, isang aklat na kulay berde, mayroong nakakatuwang pamagat, maimpluwensya ag may-akda, kahit komiko ang naging pakilala ng aklat na’to sa’kin, makabuluhan naman. aba nakakabasa na pala ako??
saglit kong natapos. ahaha, pagkagising kasi inaabot ko ang binabasa kong aklat nang “ABNKKBSNPLAko?!” ni Roberto”Bob”Ong yung nadampot ko kaya binasa ko na rin. e sa araw-araw ba naman akong nasa bahay lang(houseboy na’ko ngayon), heto at masugid na akong nagbabasa ng mga aklat —in short jobless.
kakatapos ko rin lang mabasa ang obra ni Dan Brown, ang “The Da Vinci Code”. Noong 2006 pa nung pinalabas sa mga sinehan yung movie version(starred Tom Hanks) pero ngayon ko lang natapos ang adapted novel. Medyo mahaba kasi at talagang iintindihin mo gusto ko na mabasa ang “Angels and Demons”-ang sequel.
ngayon, “The Blair Witch Files: The Dark Room” ang binabasa ko. masasabi kong nakakabahala ang libro dahilan upang di ako madaling nakakatulog sa madaling araw kapag binabasa ko’to. natatawa ako kasi puro freak books napagtutuunan ko ng pansin kung magbabasa, tinatakot ko ang sarili ko sa ganitong paraan. dati nga, “World’s Greatest Serial Killers” ang binasa ko. sa pamagat pa lang, parang balak kong pumatay! xD LOL —pero wag ka, pumatok sa tropa ko nung hiniram ang aklat di nga lang niya natapos.
“hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.” — Bob Ong
