Archive for POTA

My Atrophy II: Face the Greatest Pain Inside

Posted in FamiLy, Friends and LoverZ with tags , on May 23, 2009 by eurytrophy8447

Natuli na ang kapatid ko last last week, ten years old sya, di gaya ko noon nang natuli ay eleven years old na. Nung mga panahon na iyon, nakakaramdam siya ng sakit dahil masakit nga naman talaga dahil sugat iyon at napakahirap umihi. Minsan gusto ko syang tulungan dahil napagdaaanan ko na nga naman yan, kaso hindi ko magawa.

Natural na magkalayo ang loob namin ng bunso kong kapatid. Bagay na masasabi kong mahirap kong pakisamahan ang sarili kong pamilya. Napakadalas, kapag linggo, nagkakaroon sila ng katuwaan, naguusap-usap parang magbabarkada lang. Samantala ako nasa kuwarto, kung hindi tulog, nakatunganga o di kaya nag-iisip minsan kung bakit hindi ko makasundo o kung kasundo man hindi ko makapalagayan ng loob ang loob ng pamilya ko, lalo na si papa. Magkaroon man ng mga pagkakataong mag-uusap kami o may napagkuwentuhan, nauuw talaga sa diskusyon at argumento at mas malala pa away talaga na may sagutan at sumbatan na mas masakit para sakin kesa sa suntok o kahit anong pananakit.

Mahirap sa tuwing linggo lang kami nagiging kumpleto dahil pahinga ng mga magulang ko at sabay sa walang pasok. At tuwing linggo na to nararanasan ko ang pagsasawalang bahala at hinanakit sa puso ko.

Dumarating sa isip ko na minsan ay humingi na lang ng tawad at ayun tapos na.  Kaso nagiging malabo lang ang pagkakataong iyon na dumarating dahil mas nagiging malayo ako sa kanila. Sa simpleng kamusta ako nabubuhayan sa nalalaman kong may pakialam pa sila sa’kin. Matapos nun wala na, parang scripted lang lagi na binabato sa’kin ay pagkatapos ay cut na. Wala nang paki.

Siguro nga kung titingnan malaking bagay na hindi ko sila nilalapitan bagay na magkalayo talaga ang loob ko sa kanila , pero hanap ko lang ay ang atensyon na gusto kong maranasan na sa iba ko nakikita. At nauuwi na lang akong may inggit sa puso.

Malaking bagay na nakakausap ni Adel ang mama niya. Lagi  siyang kinakamusta kaya napaka-open nila sa isa’t-isa. Kilala nga ng mama ni Adel kaming mga kaklase niya. Isang bagay na nakakataba ng puso dahil kumpara sa’kin hindi ko maikwento sa mga magulang ko kung sino ang mga magulang ko kung sino ang mga tropa ko at gaano sila tumatak sa akin. Maging kay Mon2 sa kanyang papa, kahit sabihin kong strikto ang papa ni Mon2 sa kanya nalalaman pa rin niya kung anong meron sa anak niya at dito nasusuportahan at nagagabayan pa siya, mas lalo na sa kanyang mama dahil parang barkada lang sila nito at may masasabi nating bond. Maging sa mga kuwento ni Mon2 sa’kin sa tuwing magkasama sila ni papa niya sa mga lakad nila, napapaisip na lang talaga ako kung posible rin ang mga ganoong pagkakataon sa’min ng papa ko.

Sa mga ganoong pagkakataong nakikita ko ang mga samahan nila ng mga magulang nila naiinggit na lang ako sa isang banda. Kapag dumarating sa mga pagkakataong nagkakaroon ng mga kwentuhang tungkol sa pamilya, gaya nung kuwentong sago ng magkakapatid na Paat (Pohh, Balong & Cherish) nakikinig na lang ako at ngumingiti. Natutuwa na lang ako sa sa parte ko bilang kaibigan nila.

Masarap talaga sa pakiramdam yung pinapahalagahan at minamahal ka. Pero kung masasabing maswerte pa ako dahil andiyan pa’ng mga magulang ko, hindi rin, nasa sitwasyon kasi at mga taong nakapaloob dito.

Kaya sa ngayon pinapahalagahan ko yung tropa ko, gusto ko andiyan ako kung kailanganin man nila ako sa abot ng makakaya ko. Pinipilit kong hindi sila mabigo sa’kin, kahit hindi na bumalik ang pabor sa’kin, hindi ko dapat damdamin dahil  wala namang dapat hinging kahit anong kapalit ang bagay na galing sa puso at may kawang-gawa, kayahindi ako nagkukulang sa mga “Salamat” at  “Patawad” sa kanila dahil ayokong magkaroon ng distansya ang samahan namin tulad ng sa pamilya ko ngayon kung san man ay wala akong natatanggap na kahit ano kundi sumbat at pagkutya sa akin. Naisip ko na nga lang na sana ampon na lang ako at sana’y ganun na nga lang para masabi ko sa sarili ko na nararapat pala sa akin yung ganoong pagtrato. Sana hindi na lang ako ganito ka-sensitibo para masabi kong manhid akong makikisalamuha sa kanila. Puro na lang sana…

very pissed_out. F**k

My New Damn Year. .?_?

Posted in Buhay-Buhay with tags , on January 5, 2009 by eurytrophy8447

SLOTHY “wala naman akong ipapasa eh..”, yan ang sabi ko sa sarili ko nung pagkagising ko kaninang umaga. meron kasi kaming assignment sa Autocad at Adobe Photoshop, this christmas vacation namin dapat tapusin at ayun sa awa ng Dios wala akong nagawa. may awa nga ang Dios ako lang ang walang ginagawa taliwas sa punto nung kasabihan. inabutan ako ng katamaran, alam kong mortal na kasalanan ang pagiging tamad pero kasi.. uhm.. ehh.. basta makasalanan ako. bleh.

new year’s resolution. hmm.. uso ba yun? patok pa rin nga pero ang tanong e kung epektibo ba? malamang hinde. kahit sabihin natin na ang katangi-tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago, hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang pagbabago ay nasa tao pa rin. hindi napipilit. hindi nadidikta.

marami na akong mga ginawang mga listahan noong mga nakaraang bagong taon tunkol sa mga gusto kong baguhin kasama na yung mga formal themes at sulating pangwakas sa elementarya at hayskul na ginagawa namin tuwing pasukan ulit matapos ang bakasyon-engrande. at ayun sa awa pa rin ng Dios, mahirap tuparin, di ko magawa. tingin ko hindi pa ako handa sa mga pagbabago.

ngayon pa nga lang naiisip kong baguhin ang lifestyle ng pamumuhay ko dahil kung tatanungin mo sila Rizal, Einstein at da Vinci sasabihin nilang “wala kang patutunguhan anak!” dahil sa pangkaraniwan ang buhay ko kala mo hayskul pa rin. pumapasok, umaatend ng klase, makikinig at magsusulat (pero paglabas na ng room, magtatanong sa sarili “may natutunan ba’ko?”), tatambay, magdodota, uuwi na. kinabukasan ganun ulit.

iniisip ko ang magtrabaho na habang di pa graduate para may karanasan na ako kahit papaano at para masabi kong busy ako. dahil senseless sa akin kapag sinasabi mong busy habang nakahilata sa kama at nagbabasa lang ng libro. kaso sa tuwing iisipin ko yun, nakupow! inaatake ako ng SLOTH. eww.. ang haba ng pila sa SSS, NBI at ang layo ng barangay at city hall kahit isang sakay lang naman ako papunta sa mga yun. kaya hanggang pag-iisip na lang ang kalalagyan ko.

ngayon tinatamad nanaman akong pumasok at heto ako ngayon sa internet cafe nagsusulat na lang ng blog post. haha! geh

Listen and You’ll Soon be Heard. . .

Posted in Buhay-Buhay, Friends and LoverZ with tags , on December 13, 2008 by eurytrophy8447

hindi lang ikaw ang may karapatan!
kung anong masaya seyo sasamahan ka naman nyan kung hindi man,intindihin mo may mga pagkakataon…
…dapat intindihin mo kasi hindi mo malalaman
na ang mga bagay pala na ikinaliligaya
mo maaaring hindi na masaya para sa lahat…
…darating din sa gulong ng buhay mo na
kami na mismo ang pipigil ng saya na ito
maalis lamang ang pagkahibang dito..
…walang masama sa ganitong uri ng kasayahan, kahit ako man nasasaktan pag nalulungkot ako…
…pero INTINDIHIN mo rin ang mga nasa paligid mo,kung masira man nya ang kaligayahan mo dahil sa isa pa nyang kaligayahan, hayaan mo lang dahil balang araw, puwedeng bumaligtad ang mga pangyayari…

Strangling Truth

Posted in Suicidal..grrowwwL! with tags , on September 22, 2008 by eurytrophy8447

I know its painful, I don’t want to feel it anymore. I want to strangle myself to death rather. How come its taking over me? I can’t withstand this anymore.

I admit my mistake, I admit my confession as true, I admit I did what it is right now. Yet I want to be blamed no more. The damage has been done. I know, I did the damage. We involved here, many have been affected, the impact is intense and creating an aftershock still for this time.

I present my sorries as generalized. I thought I already knew. I thought I can. Yet the continuous accusation and mishaps render me as already enough. I’m taking every piece of it. I swallow every part of it. I can’t handle no more. I’m also fragile, the sensitivity is too high even my pride conquers it wholeheartedly. Now its broken.

Harshly, the solidity of our content liquidizes as time passes by. The bond preferred as forever is already taking its branch-like paths now. I thought it’s nothing, I thought this is one of those we can surpass, I’m resisting verbally and physically to it. I guessed wrong.

I don’t want to speak no more, as my silence commits its surrender to this endless sorrow. I hate this, however I can’t hold its mentality. I don’t care. I don’t mind.

NAGSASAWA na ako pota!